Story Time - ANGKAS DRIVER story - 02/19/2025




STORY TIME: My Angkas Adventures - 02/19/2025
 
Pag-out ko today sa work, nag-book ako ng Angkas para umuwi ng bahay. Excited na ako kasi pagod na pagod na ako! Pag-exit ko ng building, may nakita akong Angkas na nakapark sa tapat. I mouthed the rider's name "Jerry?" to confirm, and kuya nodded. Feeling ko, ako na ang pinaka-efficient na pasahero ever! Nagsuot na ako ng hairnet (alam niyo na, safety first!), umupo sa motor niya, and then… he asked me, "Saan ka po malapit sa McKinley?"
 
Shock. Confusion. Awkward laughter.
 
Na-shock ako kasi… hindi ako yung pasaherong tinutukoy niya! Natawa ako kasi ang epic ng sitwasyon. Super hiyang-hiya ako, pero hiningi ko na lang yung hairnet since suot ko na. Ang awkward! Pagbaba ko, nakita ko yung isang Angkas sa unahan namin, and he looked at me. I mouthed, "Jerry?" He nodded. Tawa ako nang tawa habang kinukwento ko sa kanya yung nangyari. Mali pala yung sinakyan kong Angkas! Grabe, ang clumsy ko!
 
Pag-upo ko sa tamang Angkas (sana!), tinanong niya ako kung ako ba si "Florencia." Beh! Yung mukha ko, ewan ko kung anong itsura! This was my second encounter with a wrong Angkas rider. And he was asking for Florencia! Hello KUYA!!! Ang nipis nipis ko para maging Florencia! I felt betrayed! Napahiya ako bigla. Kaya bumaba na lang ulit ako with my head high up holding every inch of my dignity. EME 🤭 
 
Anyways, ni-check ko yung Angkas app, and nakita ko na nag-arrived na yung totoong Angkas ride ko. Napansin ko na kanina pa Pala may nakatambay na motor sa tapat ko, pero this time, natatakot na ako baka mali ulit! Five minutes na ang nakalipas, wala pa ring tumatawag sa phone. Habang nag uusap kami sa mata ni 3rd ANGKAS kuya, Sabi ko, bahala na! This time, tinawag ko na pangalan nya. "Si JERRY po ba kayo?" Umuoo siya, and parang nainis yata kasi kanina pa ako nakatayo sa harap niya. Mega-explain ang lola niyo! Nag-verify kami ng info, and sa wakas, tumama rin! Salamat naman! WILL REAL ANGKAS DRIVER PLEASE STAND UP!!! 
 
Hay, buhay! Ang dami kong natutunan today: 1) Double check your Angkas DRIVERs name; 2) Don't be afraid to ask (even if you're already wearing a hairnet); and 3) Laughter is the best medicine (especially when you're super awkward). 4) WAG SHUNGA! 🤭 #AngkasAdventures #EpicFail #ButStillMadeItHome #WrongAngkas #SoAwkward #PinoyLife #ComedyOfErrors

Popular posts from this blog

Navigating the Balance: Trusting Your Mind while Embracing the Power of Dreams and Capabilities

Dream - Tayabas 2024 - 03-20-2024

Dream - Quezon 2024 - 03-04-2024